2009.
Nung nakaraan na taon, marami ang nangyari. Mga bagay na di natin inaasahan, meron din namang nangyari na matagal na nating hinihintay. Simula nang dumating ako dito, madalas- iniisip ko kung bakit nga ba ako nandito. Bakit ko nga ba nararanasan ang mga ito. Ngunit, ngayon na nagtapos na ang 2009- unti unti ko nang naiintindihan kung bakit. Masakit man isipin na malayo ako sa kanila, eh kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang buhay ko.
Oo, di ko sila kasama- pero alam mo, nakakayanan ko naman eh. Mahigit isang taon na kami dito, buhay pa ako. Isang pahayag na siguro 'yun na kahit mahirap, kahit masakit- kaya ko. Oo, Kaya ko kasi kinaya niyo rin yung lungkot. :)
Noong mga nakaraang mga buwan, nagumupaw ang mga biyaya na aking natanggap. Nasuklian ko ang aking sarili mula sa mga hirap at pawis ko sa trabaho- umasenso ako, mas lumakas. Kumbaga sa wikang Ingles, "I've been inspired to go on and be happy." 'Yun eh dahil naisip ko rin na di niyo gugustuhin na lagi akong malungkot. diba? :)
2009.
Nabili ko yung mga bagay na matagal ko nang pinangarap mula sa sarili kong pawis.
Nakita ko isa sa mga kaibigan ko na hinding hindi ko makakalimutan.
Nakilala ko pa lalo ang aking sariling kakayahan.
Nalaman ko ang mga limitasyon ko, pati na rin ang aking kahinaan at kalakasan.
2009.
Naranasan ng bansang kinalakihan ko ang isang malaking pagsubok. Maraming nawalan ng kagamitan, kapamilya at tirahan- pero 'yun ay hindi nagsisimbolo na dapat sumuko tayo, kung tutuusin, 'yun din ang nagsilbing inspirasyon para sa mga tao na pahalagahan, mahalin at alagaan ang mga biyayang ipinagkakaloob ni Bro sa atin. ;)
Maraming nagsabi rin na mabilis na natapos ang taong 2009, at ang taong 2010 daw ay ang taon ng marami. Sana nga. Sana, maging masaya ang lahat. :)
Maraming Salamat sa lahat nang tao na naging bahagi ng aking buhay sa taong 2009, sana rin ay patuloy kayong susubaybay sa buhay ko ngayon 2010- dahil ako, 'eto oh, sumusubaybay na sa mga buhay niyo!
Salamat at Paalam 2009!
Mabuhay, 2010!
♥ Maiqui, was here! 12:50 PM
Be Happy.
Make the most out of everything.
Smile like it's your last,
Live like you're gonna die tomorrow.
School was fun today, didn't do much but I laughed a lot.
HAHAHAHAHAHAHAHA.
PS. I'll give you $5 if you're able to make the whole Celtic Crowd say "CELTIC POWER" tomorrow during the Shamrock Games. HAHAHAHA.
PPS. Jokes lang sinigang. :P
♥ Maiqui, was here! 8:29 PM
Yes, It's been a while seen I last wrote a blog entry.
Mainly because I was busy, and sometimes lazy. HAHA.
Anyway, I'm 16 now. Semi-Legal, since I can get my license now.
I'm a year older, a year wiser.
But still cute as I used to be. :P
There is an 80% chance that I will update this blog every now and then, as long as I have something to share. HAHA.
PS. It's almost Christmas, and yet I still can't feel it.
♥ Maiqui, was here! 11:09 AM